Nang ang aking isip hindi mapalagay, at ang damdamin ko'y labis na nasaktan, di ko maunawa, para akong tanga, sa iyong harapa'y hayop ang kagaya. Gayon pa ma'y sinasamahan mo ako, sa aking paglakad ay inaakay mo. Ang mga payo mo'y umakay sa akin, marangal na ako'y iyong tatanggapin. Sino pa sa langit, kundi ikaw lamang, at maging sa lupa'y, aking kailangan? Puso ko't kaluluwa kung nanghihina man, ang Diyos ang lakas kong tanging kailangan. Yaong hihiwalay sa iyo'y mamamatay, at ang nagtataksil wawasaking tunay. Ngunit sa sarili, tanging hangarin ko, sa piling ng Diyos manatili ako! Sa piling ng Panginoong Yahweh, ako'y mapanatag, ang kanyang ginawa'y aking ihahayag.
Basahin Mga Awit 73
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: Mga Awit 73:21-28
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas