Nang ang aking kaluluwa ay nagdamdam, nang ang kalooban ko'y nasaktan, ako'y naging hangal at mangmang; ako'y naging gaya ng hayop sa harapan mo. Gayunman ako'y kasama mong palagian, inaalalayan mo ang aking kanang kamay. Sa iyong payo ako'y iyong pinapatnubayan, at pagkatapos ay tatanggapin mo ako sa kaluwalhatian. Anong mayroon ako sa langit kundi ikaw? at liban sa iyo'y wala akong anumang ninanasa sa lupa. Ang aking laman at ang aking puso ay maaaring manghina, ngunit ang Diyos ang lakas ng aking puso at bahagi ko magpakailanman. Sapagkat narito, malilipol silang malayo sa iyo; ang lahat na hindi tapat sa iyo ay winakasan mo. Ngunit para sa akin, ang pagiging malapit ng Diyos ay aking kabutihan; ginawa kong aking kanlungan ang Panginoong DIYOS, upang aking maisaysay ang lahat ng iyong mga gawa.
Basahin MGA AWIT 73
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: MGA AWIT 73:21-28
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas