Naghihirap ako't mahapdi ang sugat, O Diyos, ingatan mo, ako ay iligtas! Pupurihin ang Diyos, aking aawitan, dadakilain ko't pasasalamatan. Sa ganitong diwa ika'y nalulugod, higit pa sa haing torong ihahandog, higit pa sa bakang ipagkakaloob. Kung makita ito nitong mga dukha, sila ay sasamba sa laki ng tuwa. Dinirinig ng Diyos ang may kailangan, lingkod na bilanggo'y di nalilimutan. Ang Diyos ay purihin ng langit at lupa, maging karagata't naroong nilikha! Ang Lunsod ng Zion, kanyang ililigtas, bayang nasa Juda'y muling itatatag; doon mananahan ang mga hinirang, ang lupain doo'y aariing tunay. Magmamana nito'y yaong lahi nila, may pag-ibig sa Diyos ang doo'y titira.
Basahin Mga Awit 69
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Awit 69:29-36
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas