Mga ulo ng kaaway ay babasagin ng Diyos, kapag sila ay nagpilit sa kanilang gawang buktot. Si Yahweh ang nagsalita: “Ibabalik ko sa iyo kaaway na nasa Bashan; hahanguin ko nga sila sa gitna ng karagatan, upang kayo'y magtampisaw sa dugo na bubuhos, sa dugo nilang yaon, pati aso ay hihimod.” Mamamasdan ng marami ang lakad mong matagumpay, pagpasok ng Diyos kong hari, sa may dako niyang banal. Sa unaha'y umaawit, tumutugtog sa hulihan, sa gitna'y nagtatamburin ang babaing karamihan. “Ang Diyos ay papurihan, kung magtipong sama-sama, buong lahi ng Israel papurihan ninyo siya!” Yaong lahi ni Benjamin, maliit ma'y nangunguna, kasunod ay mga puno at pulutong nitong Juda; mga puno ng Zebulun at Neftali'y kasunod na.
Basahin Mga Awit 68
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Awit 68:21-27
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas