Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 33:4-22

Mga Awit 33:4-22 RTPV05

Si Yahweh ay tapat sa kanyang salita, at maaasahan ang kanyang ginawa. Ang nais niya ay kat'wira't katarungan, ang pag-ibig niya sa mundo'y laganap. Sa utos ni Yahweh, nalikha ang langit, ang araw, ang buwa't talang maririkit; sa iisang dako, tubig ay tinipon, at sa kalaliman ay doon kinulong. Matakot kay Yahweh ang lahat sa lupa! Dapat katakutan ng buong nilikha! Ang buong daigdig, kanyang nilikha, sa kanyang salita, lumitaw na kusa. Ang binabalangkas niyong mga bansa, kanyang nababago't winawalang-bisa. Ngunit ang mga panukala ni Yahweh, hindi masisira, ito'y mananatili. Mapalad ang bansang si Yahweh ang Diyos; mapalad ang bayang kanyang ibinukod. Magmula sa langit, kanyang minamasdan ang lahat ng tao na kanyang nilalang. Nagmamasid siya at namamahala sa lahat ng tao sa balat ng lupa. Ang isip nila'y sa kanya nagmula walang nalilingid sa kanilang gawa. Di dahil sa hukbo, hari'y nagtagumpay, ni dahil sa lakas, nagwagi ang kawal; kabayong pandigma'y di na kailangan, upang sa digmaa'y kamtin ang tagumpay; di makakapagligtas, lakas nilang taglay. Ang nagmamahal kay Yahweh, at nagtitiwala sa kanyang pag-ibig, ay kinakalinga. Hindi hahayaang sila ay mamatay, kahit magtaggutom sila'y binubuhay. Tanging si Yahweh lang ang ating pag-asa; tulong na malaki at sanggalang siya. Dahil nga sa kanya, kami'y natutuwa; sa kanyang pangalan ay nagtitiwala. Ipagkaloob mo na aming makamit, O Yahweh, ang iyong wagas na pag-ibig, yamang ang pag-asa'y sa iyo nasasalig!

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Awit 33:4-22