Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 32:5-8

Mga Awit 32:5-8 RTPV05

Kaya't ang kasalanan ko'y aking inamin; mga pagkakamali ko'y hindi na inilihim. Ako'y nagpasyang sa iyo'y ipagtapat, at mga sala ko'y pinatawad mong lahat. (Selah) Kaya ang tapat sa iyo ay dapat manalangin, sa oras ng kagipitan, ikaw ang tawagin, at sa bugso ng baha'y di sila aabutin. Ikaw ang aking lugar na kublihan; inililigtas mo ako sa kapahamakan. Aawitin ko nang malakas, pag-iingat mo't pagliligtas. (Selah) Ang sabi ni Yahweh, “Aakayin kita sa daan, tuturuan kita at laging papayuhan.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Awit 32:5-8