Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 18:7-15

Mga Awit 18:7-15 RTPV05

Ang buong lupa ay nauga at nayanig, pundasyon ng mga bundok ay nanginig, sapagkat ang Diyos ay galit na galit! Lumabas ang usok sa kanyang ilong, mula sa kanyang bibig ay mga baga at apoy. Nahawi ang langit at siya'y bumabâ, makapal na ulap ang tuntungan niya. Sa isang kerubin siya ay sumakay; sa papawirin mabilis na naglakbay. Ang kadilima'y ginawa niyang takip, maitim na ulap na puno ng tubig. Gumuhit ang kidlat sa harapan niya, at mula sa ulap, bumuhos kaagad ang maraming butil ng yelo at baga. Nagpakulog si Yahweh mula sa langit, tinig ng Kataas-taasan, agad narinig. Dahil sa mga palaso na kanyang itinudla, ang mga kaaway ay nangalat sa lupa; nagsala-salabat ang guhit ng kidlat, lahat ay nagulo kaya't nagsitakas. Dahil sa galit mo, O Yahweh, sa ilong mo galing ang bugso ng hangin; kaya't ang pusod ng dagat ay nalantad, mga pundasyon ng lupa ay nahayag.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Awit 18:7-15