Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 143:3-7

Mga Awit 143:3-7 RTPV05

Ako ay tinugis ng aking kaaway, lubos na nilupig ng aking kalaban; sa dilim na dako, ako ay nakulong, tulad ko'y patay nang mahabang panahon. Ang kaluluwa ko'y halos sumuko na, sapagkat ang buhay ko'y wala nang pag-asa. Araw na lumipas, aking nagunita, at naalala ang iyong ginawa, sa iyong kabutihan, ako ay namangha! Ako'y dumalangin na taas ang kamay, parang tuyong lupa ang diwa kong uhaw. (Selah) Nawala nang lahat ang aking pag-asa, kaya naman, Yahweh, ako'y dinggin mo na! Kung ika'y magkubli, baka ang hantungan ako ay ituring na malamig na bangkay, at ang tunguhin ko'y madilim na hukay.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Awit 143:3-7