Lubos akong humahanga sa bigay mong mga turo; lahat aking iingata't susundin nang buong puso. Ang liwanag ng turo mo'y nagsisilbing isang tanglaw, nagbibigay dunong ito sa wala pang karanasan. Halos humihingal ako dahilan sa kasabikan, na matamo yaong aking minimithing kautusan. Ako'y iyong kahabagan, ngayon ako ay lingapin, at sa mga taong tapat, itulad mo ang pagtingin. Sang-ayon sa pangako mo, huwag mo akong hahayaang mahulog sa gawang mali at ugaling mahahalay.
Basahin Mga Awit 119
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Awit 119:129-133
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas