Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 107:28-31

Mga Awit 107:28-31 RTPV05

Nang nababagabag, kay Yahweh sila ay tumawag, dininig nga sila at sa kahirapan, sila'y iniligtas. Ang bagyong malakas, pinayapa niya't kanyang pinatigil, pati mga alon, na naglalakihan ay tumahimik din. Nang tumahimik na, sila ay natuwa, naghari ang galak, at natamo nila ang kanilang pakay sa ibayong dagat. Kaya't dapat namang kay Yahweh ay magpasalamat, dahil sa pag-ibig at kahanga-hanga niyang pagliligtas.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Awit 107:28-31