Ang kapalalua'y humahantong sa pagkawasak, at ang mapagmataas na isipan ay ibabagsak. Higit na mabuti ang mapagpakumbabá kahit na mahirap, kaysa makihati sa yaman ng mapagmataas. Ang sumusunod sa payo ay mananagana, at mapalad ang taong kay Yahweh ay nagtitiwala. Ang matalinong tao ay nakikilala sa kanyang pang-unawa, ang matamis niyang pangungusap ay panghikayat sa iba. Ang karunungan ay bukal ng buhay para sa matalino, ngunit mahirap maturuan ang mangmang na tao. Iniisip ng matalino ang kanyang sasabihin, kaya naman ang kausap ay madali niyang akitin. Kaaya-ayang salita ay parang pulot-pukyutan, matamis sa panlasa, pampalusog ng katawan. May daang matuwid sa tingin ng tao, ngunit kamatayan ang dulo nito.
Basahin Mga Kawikaan 16
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Kawikaan 16:18-25
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas