Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Taga-Filipos 2:5-11

Mga Taga-Filipos 2:5-11 RTPV05

Nawa'y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay Cristo Jesus. Kahit siya'y likas at tunay na Diyos, hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos. Sa halip, kusa niyang hinubad ang pagiging kapantay ng Diyos, at naging katulad ng isang alipin. Ipinanganak siyang tulad ng mga karaniwang tao. At nang si Cristo'y maging tao, nagpakumbabá siya at naging masunurin hanggang kamatayan, maging ito man ay kamatayan sa krus. At dahil dito, siya'y lubusang itinaas ng Diyos, at ibinigay sa kanya ang pangalang higit sa lahat ng pangalan. Sa gayon, sa pangalan ni Jesus ay luluhod at magpupuri ang lahat ng nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa. At para sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama, ang lahat ay magpapahayag na si Jesu-Cristo ang Panginoon.