Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Bilang 2

2
Ang Kampo at ang Pinuno ng Bawat Lipi
1Sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron: 2Ang mga Israelita'y magtatayo ng kanilang tolda sa paligid ng Toldang Tipanan sa labas ng hanay ng mga Levita, at bawat angkan ay sama-sama sa ilalim ng kanilang watawat.
3-8Sa gawing silangan magkakampo ang pangkat ng mga lipi ni Juda, Isacar, at Zebulun:
Lipi Pinuno Bilang
Juda Naason na anak ni Aminadab 74,600
Isacar Nathanael na anak ni Zuar 54,400
Zebulun Eliab na anak ni Helon 57,400
9Ang kabuuan ng pangkat na ito ay 186,400. Sila ang mauuna sa bawat paglakad.
10-15Sa gawing timog naman magkakampo ang pangkat ng mga lipi nina Ruben, Simeon, at Gad:
Lipi Pinuno Bilang
Ruben Elizur na anak ni Sedeur 46,500
Simeon Selumiel na anak ni Zurisadai 59,300
Gad Eliasaf na anak ni Deuel 45,650
16Ang kabuuan ng pangkat na ito ay 151,450. Ang pangkat na ito ang susunod sa pangkat na pangungunahan ng lipi ni Juda.
17Maging sa paglilipat ng Toldang Tipanan, ang pangkat ng mga Levita ay mananatili sa gitna ng ibang mga pangkat. Sa pagpapatuloy ng paglalakbay, mananatili ang bawat pangkat sa dating ayos sa ilalim ng kani-kanilang watawat.
18-23Sa gawing kanluran naman magkakampo ang pangkat ng mga lipi nina Efraim, Manases, at Benjamin:
Lipi Pinuno Bilang
Efraim Elisama na anak ni Amiud 40,500
Manases Gamaliel na anak ni Pedazur 32,200
Benjamin Abidan na anak ni Gideoni 35,400
24Ang kabuuan ng pangkat na ito ay 108,100. Sila ang pangatlo sa hanay.
25-30At sa gawing hilaga naman magkakampo ang pangkat ng mga lipi nina Dan, Asher, at Neftali:
Lipi Pinuno Bilang
Dan Ahiezer na anak ni Amisadai 62,700
Asher Pagiel na anak ni Ocran 41,500
Neftali Ahira na anak ni Enan 53,400
31Ang pangkat na ito ay umaabot sa 157,600. Sila ang kahuli-hulihan sa hanay ng mga kawal. 32Iyon ang bilang ng mga Israelita ayon sa kani-kanilang lipi. Lahat-lahat ay umabot sa 603,550. 33Hindi kabilang dito ang mga Levita tulad ng ipinagbilin ni Yahweh kay Moises na huwag isasama sa sensus ang mga ito.
34Ang lahat ay ginawa ng mga Israelita ayon sa utos ni Yahweh. Nagtayo sila ng tolda sa ilalim ng kani-kanilang watawat, at pangkat-pangkat na nagpatuloy sa paglalakbay.

Kasalukuyang Napili:

Mga Bilang 2: RTPV05

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in