Noong unang araw ng ikalawang buwan matapos umalis sa Egipto ang sambayanang Israel, si Yahweh ay nangusap kay Moises habang siya'y nasa loob ng Toldang Tipanan na noo'y nasa ilang ng Sinai. Ang sabi ni Yahweh, “Magsagawa ka ng isang sensus. Bilangin at ilista ninyo ang pangalan ng buong sambayanan ng Israel ayon sa kani-kanilang angkan at lipi. Ilista ninyo ang lahat ng lalaki mula sa gulang na dalawampu pataas, lahat ng maaari nang lumaban sa digmaan. Magpatulong ka kay Aaron at sa pinuno ng bawat angkan.” Ito ang mga pinuno ng bawat lipi na tutulong sa iyo: Ruben Elizur na anak ni Sedeur Simeon Selumiel na anak ni Zurisadai Juda Naason na anak ni Aminadab Isacar Nathanael na anak ni Zuar Zebulun Eliab na anak ni Helon Efraim Elisama na anak ni Amiud Manases Gamaliel na anak ni Pedazur Benjamin Abidan na anak ni Gideoni Dan Ahiezer na anak ni Amisadai Asher Pagiel na anak ni Ocran Gad Eliasaf na anak ni Deuel Neftali Ahira na anak ni Enan Ang mga taong nabanggit ay isinama nina Moises at Aaron
Basahin Mga Bilang 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Bilang 1:1-17
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas