Ang PANGINOON ay nagsalita kay Moises sa ilang ng Sinai sa toldang tipanan, nang unang araw ng ikalawang buwan, sa ikalawang taon pagkalabas nila sa lupain ng Ehipto, na sinasabi: “Bilangin mo ang buong sambayanan ng mga anak ni Israel, ayon sa mga angkan nila, sa mga sambahayan ng kani-kanilang mga ninuno, ayon sa bilang ng mga pangalan, bawat lalaki, bawat isa. Mula sa dalawampung taong gulang pataas, lahat sa Israel na maaaring lumaban sa digmaan, sila ay bibilangin mo at ni Aaron, ayon sa kanilang mga hukbo. Magsasama kayo ng isang lalaki mula sa bawat lipi; na bawat isa'y pinuno sa sambahayan ng kanyang mga ninuno. Ito ang mga pangalan ng mga lalaki na tutulong sa inyo. Mula kay Ruben: si Elisur na anak ni Sedeur; kay Simeon: si Selumiel na anak ni Zurishadai; kay Juda: si Naashon na anak ni Aminadab; kay Isacar: si Natanael na anak ni Suar; sa lipi ni Zebulon: si Eliab na anak ni Helon; sa mga anak ni Jose: kay Efraim: si Elisama na anak ni Amihud; kay Manases: si Gamaliel na anak ni Pedasur; kay Benjamin: si Abidan na anak ni Gideoni; kay Dan: si Ahiezer na anak ni Amisadai; kay Aser: si Fegiel na anak ni Ocran; kay Gad: si Eliasaf na anak ni Deuel; kay Neftali: si Ahira na anak ni Enan.” Ito ang mga pinili mula sa kapulungan, na mga pinuno sa mga lipi ng kani-kanilang mga ninuno. Sila ang mga puno ng mga angkan ng Israel. Dinala nina Moises at Aaron ang mga lalaking ito na inilagay sa tungkulin sa pamamagitan ng kanya-kanyang pangalan.
Basahin MGA BILANG 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA BILANG 1:1-17
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas