Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Nehemias 9

9
Ipinahayag ni Ezra ang Kasalanan ng Israel
1Noong ika-24 na araw ng buwan ding iyon, nagtipon ang mga Israelita upang mag-ayuno. Nagsuot sila ng damit-panluksa at naglagay ng abo sa kanilang ulo upang ipahayag ang pagsisisi sa kanilang mga kasalanan. 2Lumayo sila sa mga dayuhan. Tumayo sila upang ipahayag ang kanilang mga kasalanan at ng kanilang mga ninuno. 3Nanatili silang nakatayo sa kanilang kinaroroonan sa loob ng tatlong oras samantalang binabasa sa kanila ang Kautusan ni Yahweh na kanilang Diyos. Pagkatapos, tatlong oras din silang nagpahayag ng kanilang mga kasalanan at sumamba kay Yahweh na kanilang Diyos. 4Noo'y nasa isang entablado ang mga Levitang sina Jeshua, Bani, Kadmiel, Sebanias, Buni, Serebias, Bani at Kenani at nananalangin nang malakas kay Yahweh na kanilang Diyos. 5Sina Jeshua, Kadmiel, Bani, Hasabneias, Serebias, Hodias, Sebanias at Petahias ay nanawagan sa mga tao upang sumamba. Sabi nila:
“Tumayo tayo at purihin ang Diyos nating si Yahweh.
Purihin siya ngayon at magpakailanman!
Purihin ang kanyang dakilang pangalan,
na higit na dakila sa lahat ng papuri!”
Pagpapahayag ng Kasalanan
6At ang lahat ay sama-samang nanalangin ng ganito:
“Yahweh, ikaw lamang ang Panginoon;
ikaw ang lumikha ng kalangitan
at ginawa mo ang lupa, ang langit ng mga langit,
ang lahat ng bituin doon, at lahat ng narito;
ang dagat at ang lahat ng naroroon.
Binibigyang buhay mo sila,
at ika'y sinasamba ng buong kalangitan.
7Ikaw,#Gen. 11:31; 12:1; Gen. 17:5. Yahweh, ang Diyos na pumili kay Abram.
Ikaw ang tumawag sa kanya mula sa bayan ng Ur, sa Caldea
at pinangalanan mo siyang Abraham.
8Nakita#Gen. 15:18-21. mo siyang tapat sa inyo
at gumawa ka ng kasunduan sa kanya.
Ipinangako mo sa kanya at sa kanyang magiging mga anak
na ibibigay sa kanila ang lupain ng mga Cananeo,
ng mga Heteo, Amoreo, Perezeo, Jebuseo at Gergeseo.
Tinupad mo ang iyong pangako sa kanila sapagkat ikaw ay tunay na matapat.
9“Nakita#Exo. 3:7; Exo. 14:10-12. mo ang paghihirap ng aming mga ninuno sa Egipto.
Narinig mo ang pagtangis nila sa Dagat na Pula.#9 DAGAT NA PULA: o kaya'y Dagat ng mga Tambo.
10Gumawa#Exo. 7:8–12:32. ka ng mga himala at mga bagay na kamangha-mangha laban sa Faraon,
laban sa kanyang mga lingkod at sa mga mamamayan ng kanyang lupain,
sapagkat alam mong pinagmalupitan nila ang aming mga ninuno.
Ang pangalan mo'y tanyag magpahanggang ngayon.
11Sa#Exo. 14:21-29; Exo. 15:4-5. kanilang harapa'y hinati mo ang dagat,
at sa gitna nito'y dumaan sila sa tuyong lupa.
Ang mga humabol sa kanila'y nilunod mong lahat,
parang mga batong lumubog sa nagngangalit na dagat.
12Pinatnubayan#Exo. 13:21-22. mo sila ng haliging ulap kung araw,
at haliging apoy kung gabi, upang matanglawan ang kanilang paglalakbay.
13Mula#Exo. 19:18–23:33. sa langit ay bumabâ ka sa Bundok Sinai
at kinausap mo ang iyong bayan.
Binigyan mo sila ng mga tuntuning makatarungan,
mga batas na maaasahan at mabubuting kautusan.
14Itinuro mo sa kanilang ipangilin ang Araw ng Pamamahinga
at ibinigay mo sa kanila ang iyong Kautusan sa pamamagitan ni Moises na iyong lingkod.
15“Nang#Exo. 16:4-15; Exo. 17:1-7; Deut. 1:21. sila'y magutom, binigyan mo sila ng pagkaing mula sa langit;
at nang sila'y mauhaw, pinainom mo ng tubig mula sa bato.
At sa kanila'y sinabi mo na sakupin ang lupaing
sa kanila'y ipinangako mong ibigay.
16Ngunit#Bil. 14:1-4; Deut. 1:26-33. naging palalo ang aming mga ninuno,
nagmatigas sila at sinuway ang mga utos mo.
17Hindi#Exo. 34:6; Bil. 14:18. sila sumunod at nilimot ang mga himalang iyong ginawa para sa kanila.
Naging matigas ang kanilang ulo at naglagay ng pinuno
na mangunguna sa kanila pabalik sa pagkaalipin sa Egipto.
Ngunit ikaw ay Diyos na mapagpatawad at mahabagin,
hindi madaling magalit at sagana sa wagas na pag-ibig,
kaya't sila'y hindi mo itinakwil.
18Gumawa#Exo. 32:1-4. rin sila ng diyus-diyosang guya,
at sinabing iyon ang diyos na naglabas sa kanila mula sa Egipto.
Labis ka nilang nilapastangan!
19Ngunit#Deut. 8:2-4. hindi mo pa rin sila pinabayaan sa ilang,
sapagkat walang kapantay ang iyong kahabagan.
Hindi mo inalis ang haliging ulap
na patnubay nila sa paglalakbay sa araw
at ang haliging apoy na tumatanglaw sa kanila pagsapit ng dilim.
20Pinatnubayan mo sila ng iyong Espiritu, upang turuan sila ng dapat nilang gawin.
Patuloy mo silang pinakain ng manna, at binigyan ng tubig na pamatid uhaw.
21Apatnapung taon mo silang kinalinga sa ilang,
kaya't sa anuman ay hindi sila nagkulang.
Hindi nasira ang kanilang mga kasuotan,
ni namaga man ang kanilang mga paa sa paglalakad.
22“Pinasakop#Bil. 21:21-35. mo sa kanila ang mga kaharian at bayan,
ang lupaing sakop ni Haring Sihon ng Hesbon
at ang lupain ni Haring Og ng Bashan.
23Pinarami#Gen. 15:5; 22:17; Jos. 3:14-17. mo ang kanilang mga anak tulad ng mga bituin sa langit.
Dinala mo sila sa lupain
na ipinangakong sasakupin ng kanilang mga ninuno.
24Pinasok#Jos. 11:23. nga nila at sinakop ang lupain ng Canaan,
sa harap nila'y tinalo ang mga Cananeong naninirahan doon.
Ibinigay ninyo sa kanila ang kanilang mga hari at ang lahat ng mamamayan sa lupain
upang sa kanila'y gawin ang anumang naisin.
25Pinasok#Deut. 6:10-11. nila at sinakop ang mga may pader na lunsod.
Nakuha nila ang matataba nilang lupain, at sinamsam ang kanilang mga ari-arian:
mga bahay na puno ng kayamanan,
mga balon, mga ubasan, taniman ng olibo at mga bungangkahoy.
Sagana sila sa pagkain at lumusog ang kanilang katawan,
at tuwang-tuwa sila sa iyong dakilang kabutihan.
26“Ngunit#Kar. 2:10-20. #Huk. 2:11-16. kinalaban ka pa rin nila,
at tinalikuran nila ang iyong Kautusan.
Pinatay nila ang iyong mga propeta
na isinugo mo upang sila'y panumbalikin sa iyo.
Patuloy ka nilang hinahamak.
27Dahil sa ginawa nila, pinabayaan mong sakupin sila ng kanilang mga kaaway,
ipinaalipin mo sila at pinahirapan.
Ngunit nang sila'y tumawag sa iyo,
pinakinggan mo pa rin sila mula sa langit.
Sa habag mo sa kanila,
binigyan mo sila ng mga pinunong sa kanila'y magliligtas.
28Ngunit nang ang buhay nila'y naging matiwasay, muli silang nagkasala laban sa iyo,
kaya't pinababayaan mo silang muling matalo ng kaaway.
Ngunit kapag sila'y muling nagsisi at humingi ng tulong,
pinapakinggan mo sila mula sa langit
at paulit-ulit mo silang inililigtas sapagkat ikaw ay mahabagin.
29Binabalaan#Lev. 18:5. mo silang manumbalik sa iyong Kautusan,
ngunit sa kanilang kapalalua'y lalo nilang nilabag ito.
Kahit na ang Kautusan mo ay nagbibigay-buhay,
sa katigasan ng kanilang ulo'y sinuway nila iyon.
30Maraming#2 Ha. 17:13-18; 2 Cro. 36:15-16. taon na pinagtiisan mo sila,
at binalaan ng iyong Espiritu #30 ESPIRITU: o kaya'y kapangyarihan. sa pamamagitan ng mga propeta,
ngunit hindi pa rin sila nakinig.
Kaya't ipinasakop mo na naman sila sa mga dayuhan.
31Ngunit dahil sa iyong labis na kahabagan,
hindi mo rin sila ganap na nilipol at itinakwil.
Ikaw ay mapagpatawad at mahabaging Diyos!
32“O#2 Ha. 15:19, 29; 17:3-6; Ez. 4:2, 10. aming Diyos, napakadakila mong Diyos,
kakila-kilabot ang iyong kapangyarihan.
Tumutupad ka sa iyong kasunduan at mga pangako.
Mula pa nang kami'y sakupin ng mga hari ng Asiria,
hanggang ngayo'y labis ang aming paghihirap.
Naghirap ang aming mga hari at pinuno,
mga pari, mga propeta, at ang mga ninuno.
Ang iyong buong bayan ay dumanas ng kahirapan,
kaya't alalahanin mo ang aming pagdurusa.
33Makatuwiran ka sa iyong pagpaparusa sa amin;
naging tapat ka sa kabila ng aming pagkakasala.
34Ang aming mga ninuno, hari, pinuno at pari
ay hindi sumunod sa iyong Kautusan.
Sinuway nila ang iyong mga utos at babala.
35Sa gitna ng kasaganaang kanilang tinatamasa, sa ilalim ng mabuting pamamahala ng kanilang mga hari,
sa kabila ng malalawak at matatabang lupaing kanilang minana,
hindi pa rin sila naglingkod sa iyo at nagsisi sa kanilang mga kasalanan.
36Ngayon, sa lupaing ito na iyong ipinamana,
sa lupaing ito na ang pagkain ay sagana, kami'y busabos at alipin.
37Ang dahilan ay ang aming pagkakasala,
kaya ang nagpapasasa sa ani ng bukid ay ang mga haring sa ami'y lumupig.
Nasusunod nila anumang gustuhin, pati mga kawan nami'y inaangkin.
O sukdulan na itong hirap namin!”
Pangakong Susundin ang Kautusan
38Dahil dito, kaming sambayanang Israel ay gumawa ng isang kasulatan ng sinumpaang kasunduan. Ito'y lubos na sinang-ayunan at nilagdaan ng aming mga pinuno, mga Levita at mga pari.

Kasalukuyang Napili:

Nehemias 9: RTPV05

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in