Tiyak na ang iyong pagkawasak! Lunsod ng mga sinungaling at mamamatay-tao, puno ng kayamanang mananakaw at masasamsam. Lumalagapak ang mga latigo, dumadagundong ang mga gulong, humahagibis ang mga kabayo, rumaragasa ang mga karwahe! Sumusugod ang mga mangangabayo, kumikinang ang kanilang espada, kumikislap ang dulo ng sibat! Nakabunton ang mga bangkay, di mabilang ang mga patay, sa mga ito'y natatalisod ang mga nagdaraan! Ang Nineve ay katulad ng isang mahalay na babae, mapanukso at puno ng kamandag. Binighani niya ang ibang mga bansa at inalipin ang mga ito. Sinabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, “Paparusahan kita, Nineve! Huhubaran kita nang makita ka ng ibang mga bansa. Dahil dito'y mapapahiya ka. Tatabunan kita ng dumi, at gagawing hamak. Mandidiri sa iyo ang mga tao.
Basahin Nahum 3
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Nahum 3:1-6
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas