Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Nahum 1:3-7

Nahum 1:3-7 RTPV05

Si Yahweh ay hindi madaling magalit subalit dakila ang kanyang kapangyarihan; at tiyak na mananagot ang sinumang sa kanya'y kumalaban. Bagyo at ipu-ipo ang kanyang dinaraanan; ang mga ulap ay kagaya lamang ng alikabok sa kanyang mga paa. Sa utos lamang niya'y natutuyo ang dagat, gayundin ang mga ilog. Natitigang ang kabukiran ng Bashan at ang Bundok Carmel, at nalalanta ang mga bulaklak ng Lebanon. Nayayanig sa harapan niya ang mga bundok, at gumuguho ang mga burol; ang lupa'y nayayanig sa presensya ni Yahweh, at nanginginig ang daigdig, gayundin ang lahat ng naninirahan rito. Sino ang makakaligtas sa galit ni Yahweh? Sino ang makakatagal sa kanyang matinding poot? Bumubugang parang apoy ang kanyang poot. Batong malalaki ay nadudurog dahil sa kanyang galit. Si Yahweh ay napakabuti; matibay na kanlungan sa panahon ng kaguluhan. Mga nananalig sa kanya'y kanyang inaalagaan.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Nahum 1:3-7