Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Marcos 5:37-42

Marcos 5:37-42 RTPV05

Walang isinama si Jesus noon maliban kina Pedro at ang magkapatid na Santiago at Juan. Nang dumating sila sa bahay ni Jairo, nakita ni Jesus na nagkakagulo ang mga tao, may mga nag-iiyakan at nananaghoy. Pagpasok niya ay kanyang sinabi, “Bakit kayo nagkakagulo at nag-iiyakan? Hindi patay ang bata. Siya'y natutulog lamang.” Dahil sa sinabi niya, pinagtawanan siya ng mga tao. Subalit pinalabas niya ang lahat maliban sa tatlong alagad at sa mga magulang ng bata, at pumasok sila sa kinaroroonan ng bata. Hinawakan ni Jesus ang kamay ng bata at sinabi, “Talitha koum,” na ang ibig sabihi'y “Ineng, bumangon ka!” Noon di'y bumangon ang bata at lumakad, at labis na namangha ang lahat. Ang batang ito'y labindalawang taóng gulang na.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Marcos 5:37-42