Darating ang panahon, na ang bundok na kinatatayuan ng Templo ni Yahweh ay mamumukod sa kataasan sa lahat ng bundok. Higit itong dadakilain kaysa lahat ng burol, at dudulog dito ang maraming bansa. Daragsa ang maraming tao at sasabihin nila, “Halikayo, tayo na sa bundok ni Yahweh, sa templo ng Diyos ni Jacob, upang malaman natin ang nais niyang gawin natin at matuto tayong lumakad sa kanyang landas. Sapagkat magmumula sa Zion ang katuruan, at sa Jerusalem ang salita ni Yahweh.” Siya ang mamamagitan sa mga bansa, at magpapairal ng katarungan sa lahat ng lahi. Kaya't gagawin nilang talim ng araro ang kanilang mga tabak, at karit naman ang kanilang mga sibat. Mga bansa'y di na mag-aaway, at sa pakikidigma'y di na magsasanay. Sa halip, bawat tao'y mamumuhay nang payapa sa kanyang ubasan at mga puno ng igos. Wala nang babagabag sa kanila, sapagkat ito ang pangako ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat. Kahit na magpatuloy sa pagsamba sa kanilang mga diyus-diyosan ang lahat ng bansa, kami'y kay Yahweh na aming Diyos lamang sasamba magpakailanman.
Basahin Mikas 4
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mikas 4:1-5
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas