Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mateo 8:24-26

Mateo 8:24-26 RTPV05

Habang sila'y naglalayag sa lawa, si Jesus ay natutulog. Biglang bumugso ang isang malakas na unos at halos matabunan ng mga alon ang bangka. Dahil sa labis na takot, si Jesus ay nilapitan at ginising ng mga alagad. “Panginoon, tulungan ninyo kami! Lulubog tayo!” sabi nila. Ngunit sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo natatakot? Napakaliit naman ng inyong pananampalataya!” Bumangon siya, pinatigil ang hangin at ang mga alon, at bumuti ang panahon.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mateo 8:24-26