Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mateo 3:13-17

Mateo 3:13-17 RTPV05

Dumating si Jesus sa Ilog Jordan mula sa Galilea upang magpabautismo kay Juan. Ngunit tumututol si Juan at patuloy na sinabi, “Ako po ang dapat magpabautismo sa inyo! Bakit kayo nagpapabautismo sa akin?” Subalit sumagot si Jesus, “Hayaan mong ito ang mangyari ngayon, sapagkat ito ang nararapat nating gawin upang matupad ang kalooban ng Diyos.” Kaya't pumayag din si Juan. Nang siya'y mabautismuhan, umahon si Jesus sa tubig. Biglang nabuksan ang langit at nakita ni Jesus ang Espiritu ng Diyos na bumababang parang isang kalapati at dumapo sa kanya. At isang tinig mula sa langit ang nagsabi, “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan!”

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mateo 3:13-17