Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mateo 26:47-50

Mateo 26:47-50 RTPV05

Nagsasalita pa si Jesus nang dumating si Judas, na kabilang sa Labindalawa. May kasama siyang maraming tao na may dalang mga tabak at pamalo; isinugo sila ng mga punong pari at mga pinuno ng bayan. Bago pa sila dumating doon, sinabi na ng taksil sa kanyang mga kasama, “Kung sinong hahalikan ko, siya ang dakpin ninyo.” Nilapitan niya agad si Jesus at binati, “Magandang gabi po, Guro,” saka hinalikan. Sinabi sa kanya ni Jesus, “Kaibigan, gawin mo na ang sadya mo.” At siya'y nilapitan nila at dinakip.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mateo 26:47-50