Sinabi ni Jesus sa kanila, “Mag-ingat kayo sa pampaalsang ginagamit ng mga Pariseo at mga Saduseo.” Nag-usap-usap ang mga alagad, “Kasi wala tayong dalang tinapay, kaya sinabi niya iyon.” Alam ni Jesus ang pinag-uusapan nila kaya't sila'y tinanong, “Bakit ninyo pinag-uusapang kayo'y walang dalang tinapay? Napakaliit ng inyong pananampalataya! Wala pa ba kayong pagkaunawa hanggang ngayon? Nakalimutan na ba ninyo kung paanong pinaghati-hati ang limang tinapay para sa limanlibong tao? Ilang kaing na tinapay ang lumabis? Gayundin ang pitong tinapay para sa apat na libo! Ilang kaing na tinapay ang lumabis? Hindi tungkol sa tinapay ang sinasabi ko nang sabihin ko sa inyong mag-ingat kayo sa pampaalsang ginagamit ng mga Pariseo at mga Saduseo! Hindi ba ninyo maunawaan ito?” At naunawaan nila na sila'y pinag-iingat niya sa mga katuruan ng mga Pariseo at mga Saduseo, at hindi sa pampaalsang ginagamit sa tinapay.
Basahin Mateo 16
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mateo 16:6-12
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas