Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Jonas 2:5-10

Jonas 2:5-10 RTPV05

Hinigop ako ng kalaliman, hanggang sa tuluyang lumubog; napuluputan ang aking ulo ng mga halamang dagat. Ako'y bumabâ sa paanan ng mga bundok, sa libingan ng mga patay. Ngunit mula roo'y buháy akong iniahon, O Yahweh. Nang maramdaman kong malalagot na ang aking hininga, naalala ko kayo, Yahweh. Ako'y nanalangin, at mula sa banal ninyong Templo, ako'y inyong narinig. Ang mga sumasamba sa mga diyus-diyosan ay hindi naging tapat sa inyo. Ngunit aawit ako ng pasasalamat at sa inyo'y maghahandog; tutuparin ko ang aking mga pangako, O Yahweh na aking Tagapagligtas!” Pagkatapos, inutusan ni Yahweh ang isda na iluwa si Jonas sa dalampasigan.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Jonas 2:5-10