Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Joel 1:13-20

Joel 1:13-20 RTPV05

Magluksa kayo at tumangis, mga paring naghahandog sa altar. Pumasok kayo sa Templo at magdamag na magluksa. Walang trigo o alak na naihahandog sa inyong Diyos. Iutos ninyo na mag-ayuno ang lahat. Tipunin ninyo ang mga tao. Tipunin ninyo ang matatandang pinuno at ang lahat ng taga-Juda, sa Templo ni Yahweh na inyong Diyos at dumaing sa kanya. Malapit na ang araw ni Yahweh, ang araw ng pangwawasak ng Makapangyarihang Diyos. Di ba't kitang-kita natin ang pagkasira ng mga pananim, at ang pagkapawi ng kagalakan at kasiyahan sa templo ng ating Diyos? Hindi sumisibol ang mga binhi sa tigang na lupa. Walang laman ang mga kamalig, at wasak ang mga imbakan, sapagkat ang mga trigo ay hindi sumibol. Umungal ang mga baka sapagkat walang mapagpastulan sa kanila. Gayundin naman, ang mga kawan ng tupa ay wala na ring makain. O Yahweh, dumaraing ako sa iyo, sapagkat natuyo ang mga pastulan, at ang mga punongkahoy ay parang sinunog ng apoy. Maging ang mga hayop sa gubat ay dumaraing sa iyo sapagkat natuyo rin ang mga batis, at ang pastulan ay parang tinupok ng apoy.