Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Job 42:1-5

Job 42:1-5 RTPV05

Ito naman ang sagot ni Job kay Yahweh: “Alam kong ang lahat ng bagay ay kaya ninyong gawin, at walang makakapigil sa lahat ng inyong balakin. Itinatanong ninyo, ‘Sino akong nangahas na kayo'y pag-alinlanganan gayong ako nama'y walang nalalaman?’ Nagsalita ako ng mga bagay na di ko nauunawaan, ng mga hiwagang di abot ng aking isipan. Sinabi ninyong papakinggan ko ang iyong sasabihin, at ang iyong mga tanong ay aking sasagutin. Noo'y nakilala ko kayo dahil sa sinabi ng iba, subalit ngayo'y nakita ko kayo ng sarili kong mga mata.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Job 42:1-5