Job 35
35
1Nagpatuloy pa si Elihu,
2“Ikaw, Job, ay wala sa katuwiran,
di mo masasabing sa harap ng Diyos, ika'y walang kasalanan.
3Sa iyong sinasabi, ang mapapala ko'y ano?
Hindi kaya mabuti pang nagkasala na nga ako?
4Ika'y aking sasagutin sa sinabi mong ito.
Sasagutin kita, pati mga kaibigan mo.
5“Tumingala ka sa langit at igala ang paningin, masdan mo ang mataas na ulap sa papawirin.
6Di#Job 22:2-3. napipinsala ang Diyos sa mga kasalanan mo,
walang magagawa sa kanya gaano man karami ito.
7Wala kang naitulong sa kanya sa iyong pagiging matuwid,
wala kang naibigay kahit bagay na maliit.
8Kung nagkakasala ka'y kapwa mo ang nagdurusa,
sa paggawa ng mabuti'y natutulungan mo sila.
9“Kapag ang mga tao'y inaapi, sila ay dumaraing,
sila'y nagmamakaawa upang ang tulong ay kamtin.
10Ngunit hindi naman sila lumalapit sa Diyos,
na nagbibigay ng pag-asa kung dinaranas ay lungkot.
11Ayaw nilang lumapit sa Diyos na nagbibigay sa atin ng karunungan,
higit sa taglay ng mga hayop o ibon sa kalawakan.
12Humihibik sila sa Diyos ngunit hindi pinapakinggan,
pagkat sila'y mga palalo at puno ng kasamaan.
13Huwag sabihing ang Makapangyarihang Diyos ay di nakikinig,
na di niya pinapansin ang kanilang sinapit.
14“Ikaw na rin ang nagsabing ang Diyos ay hindi mo nakikita,
maghintay ka na lamang sapagkat ang kalagayan mo'y alam niya.
15Akala mo'y hindi siya marunong magparusa,
at ang kasamaa'y ipinagwawalang-bahala niya.
16Wala nang saysay kung magsasalita ka pa,
mga sinasabi mo nama'y walang kuwenta.”
Kasalukuyang Napili:
Job 35: RTPV05
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
© 2005 Philippine Bible Society