Job 20
20
Inilarawan ni Zofar ang Bahagi ng Masama
1Sinabi ni Zofar na Naamita,
2“Ang iyong mga sinabi ay hindi ko na nagugustuhan
kaya hindi ko na mapigilan ang pagsali sa usapan.
3Ang iyong mga sinabi ay puro panlalait,
kaya't tugon ko ngayo'y aking ipababatid.
4“Hindi mo ba nalalaman na buhat pa sa simula,
nang ang tao ay ilagay sa ibabaw ng lupa,
5ang pagmamataas ng masama ay di nagtatagal,
6umabot man sa langit ang kanyang katanyagan,
at ang kanyang ulo, sa ulap ay umabot man.
7Ngunit tulad ng alabok, ganap siyang mapaparam;
ang hantungan niya'y hindi alam ng sinuman.
8Siya'y#Kar. 5:14. parang panaginip na mawawala, parang pangitain sa gabi,
di na muling makikita.
9Di na siya muli pang makikita ng mga dating kaibigan at kapamilya.
10Makikisama sa mahihirap ang kanyang mga anak; kayamanang kinamkam, mapapabalik lahat.
11Ang lakas ng kabataan na dati niyang taglay,
kasama niyang mahihimlay sa alabok na hantungan.
12“Ang lasa ng kasamaan para sa kanya ay matamis,
ninanamnam pa sa dila, samantalang nasa bibig.
13Itong kanyang kasamaan ay hindi niya maiwan;
kahit gusto man niyang iluwa ay di niya magagawa.
14Ngunit nang ito'y lunukin, dumaan sa lalamunan,
ubod pala ng pait, lason sa katawan.
15Kayamanang kinamkam niya, kanya ngayong isusuka;
palalabasin nga ng Diyos mula sa kanyang bituka.
16Ang nilulunok ng taong masama ay tulad ng kamandag,
parang tuklaw ng isang ahas na sa kanya ay papatay.
17Ang mga ilog at batis na siyang dinadaluyan
ng pulot at gatas ay di na niya mamamasdan.
18Di rin niya papakinabangan lahat ng pinaghirapan;
di niya malalasap ang naipong kayamanan,
19sapagkat ang mahihirap ay inapi niya,
kinamkam ang mga bahay na itinayo ng iba.
20“Kanyang pagkagahaman ay walang katapusan,
walang nakakaligtas sa kanyang kasakiman.
21Kapag siya'y kumakain, wala siyang itinitira,
ngunit ang kasaganaan niya ngayo'y magwawakas na.
22Sa kanyang kasaganaan, daranas ng kagipitan
at siya'y daratnan ng patung-patong na kahirapan.
23Kumain na siya't magpakabusog!
Matinding galit ng Diyos sa kanya'y ibubuhos.
24Makaligtas#Kar. 5:17-23. man siya sa tabak na bakal,
palasong tanso naman ang sa kanya'y magbubuwal.
25Kapag ito'y itinudla sa apdo niya ay tutusok;
kung makita niya ito,
manginginig siya sa takot.
26Matinding kadiliman ang sa kanya'y naghihintay;
masusunog siya sa apoy na hindi namamatay.
Wala ring matitira sa kanyang pamilya.
27Ipahahayag ng langit ang kasamaan ng taong ito,
laban sa kanya, ang lupa'y magpapatotoo.
28Ang lahat ng kayamanan niya ay sisirain,
sa galit ng Diyos ito ay tatangayin.
29“Ganito ang sasapitin ng lahat ng masasama,
kapasyahan ng Diyos, sa kanila'y itinakda.”
Kasalukuyang Napili:
Job 20: RTPV05
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
© 2005 Philippine Bible Society