Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Juan 5:2-6

Juan 5:2-6 RTPV05

Sa lunsod na ito na malapit sa Pintuan ng mga Tupa ay may malaking deposito ng tubig na may limang portiko. Kung tawagin ito sa wikang Hebreo ay Bethzata. Nasa paligid nito ang maraming maysakit, mga bulag, mga pilay, at mga paralitiko. May isang lalaki doon na tatlumpu't walong taon nang may sakit. Nakita siya ni Jesus at alam niyang matagal nang may sakit ang lalaki kaya't tinanong niya ito, “Gusto mo bang gumaling?”

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Juan 5:2-6