Pagkaraan nito'y pumunta si Jesus sa Jerusalem upang dumalo sa isang pista ng mga Judio. Sa lunsod na ito na malapit sa Pintuan ng mga Tupa ay may malaking deposito ng tubig na may limang portiko. Kung tawagin ito sa wikang Hebreo ay Bethzata. Nasa paligid nito ang maraming maysakit, mga bulag, mga pilay, at mga paralitiko. May isang lalaki doon na tatlumpu't walong taon nang may sakit. Nakita siya ni Jesus at alam niyang matagal nang may sakit ang lalaki kaya't tinanong niya ito, “Gusto mo bang gumaling?” Sumagot ang maysakit, “Ginoo, wala pong maglusong sa akin kapag gumalaw na ang tubig; papunta pa lamang ako, may nauuna na sa akin.” Sinabi sa kanya ni Jesus, “Tumayo ka, buhatin mo ang iyong higaan at lumakad ka.” Noon di'y gumaling ang lalaki, binuhat ang kanyang higaan, at lumakad. Noo'y Araw ng Pamamahinga kaya't sinabi ng mga pinuno ng mga Judio sa lalaking pinagaling, “Araw ng Pamamahinga ngayon! Labag sa Kautusan na dalhin mo ang iyong higaan.” Ngunit sumagot siya, “Ang nagpagaling po sa akin ang nagsabing buhatin ko ang aking higaan at lumakad ako.” At siya'y tinanong nila, “Sino ang nagsabi sa iyong buhatin mo ang iyong higaan at lumakad ka?” Ngunit hindi alam ng lalaki kung sino ang nagpagaling sa kanya, sapagkat nawala na si Jesus sa karamihan ng tao. Pagkatapos nito, nakita ni Jesus sa loob ng Templo ang lalaki at sinabihan itong, “Magaling ka na ngayon! Huwag ka nang gumawa ng kasalanan at baka masahol pa riyan ang mangyari sa iyo.” Umalis ang lalaki at sinabi sa mga Judio na si Jesus ang nagpagaling sa kanya. Dahil dito, si Jesus ay sinimulang usigin ng mga pinuno ng mga Judio, sapagkat nagpagaling siya sa Araw ng Pamamahinga.
Basahin Juan 5
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Juan 5:1-16
7 Days
AJ Dela Fuente was a successful talent coach and director in theatre and television, nasa kanya na halos ang lahat until greed and poor financial decisions landed him sa isang kulungan sa Singapore sa loob ng dalawang taon. Stripped of his success and influence, AJ found true freedom in Christ sa kulungan.
9 na Araw
Pag-aralan ang mga himalang ginawa ni Hesus na pawang nagpakilala ng Kaniyang pagiging Anak ng Diyos. Mapapanood ang isang maikling video ng natatanging himala sa bawat araw ng gabay na ito.
14 Mga araw
The Chosen: Mga Miracles Ni Jesus
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas