Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Juan 2:14-22

Juan 2:14-22 RTPV05

Nakita niya sa Templo ang mga nagtitinda ng mga baka, tupa at kalapati, at ang mga namamalit ng salapi. Kumuha siya ng lubid at ginawa iyong panghagupit, at ipinagtabuyan niyang palabas ang mga nagtitinda, pati na ang mga baka at tupa. Isinabog niya ang salapi ng mga namamalit ng pera at ipinagtataob ang kanilang mga mesa. Pinagsabihan niya ang mga nagtitinda ng kalapati, “Alisin ninyo rito ang mga iyan! Huwag ninyong gawing palengke ang bahay ng aking Ama!” Naalala ng kanyang mga alagad ang sinasabi sa kasulatan, “Ang malasakit ko sa iyong tahanan, matinding-matindi sa aking kalooban.” Dahil dito'y tinanong siya ng mga pinuno ng Judio, “Anong himala ang maipapakita mo upang patunayang may karapatan kang gawin ito?” Sumagot si Jesus, “Gibain ninyo ang Templong ito, at sa loob ng tatlong araw ay muli ko itong itatayo.” Sinabi ng mga pinuno ng Judio, “Apatnapu't anim na taóng ginawa ang Templong ito, at itatayo mo sa loob lamang ng tatlong araw?” Ngunit ang templong tinutukoy ni Jesus ay ang kanyang katawan. Kaya't nang siya'y muling mabuhay, naalala ng kanyang mga alagad na sinabi niya ito, at lalo silang naniwala sa kasulatan at sa mga itinuro ni Jesus.

Kaugnay na Video