Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Juan 19:19-22

Juan 19:19-22 RTPV05

Isinulat ni Pilato ang ganitong mga salita at ipinalagay sa krus: “Si Jesus na taga-Nazaret, ang Hari ng mga Judio.” Nasusulat ito sa mga wikang Hebreo, Latin, at Griego. Marami sa mga Judio ang nakabasa nito sapagkat malapit lamang sa lunsod ang dakong pinagpakuan kay Jesus. Kaya't ipinagpilitan ng mga punong pari kay Pilato, “Hindi sana ninyo isinulat ang ‘Ang Hari ng mga Judio’, kundi, ‘Sinabi ng taong ito, Ako ang Hari ng mga Judio.’” Ngunit sumagot si Pilato, “Ang naisulat ko'y naisulat ko na.”

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Juan 19:19-22