Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Juan 18:3-6

Juan 18:3-6 RTPV05

Pumunta doon si Judas, kasama ang ilang pinuno ng mga bantay sa Templo at isang grupo ng mga kawal Romano na padala ng mga punong pari at mga Pariseo. May dala silang mga lampara, ilawan at sandata. Alam ni Jesus ang lahat ng mangyayari sa kanya kaya't sila ay sinalubong niya at tinanong, “Sino ang hinahanap ninyo?” “Si Jesus na taga-Nazaret,” sagot nila. At sinabi niya, “Ako si Jesus.” Kaharap nila noon si Judas na nagtaksil sa kanya. Nang sabihin niyang, “Ako si Jesus,” napaurong sila at natumba.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Juan 18:3-6