Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Juan 18:12-14

Juan 18:12-14 RTPV05

Dinakip nga si Jesus at iginapos ng mga bantay sa Templo at ng mga kawal na Romano na pinamumunuan ng isang kapitan. Siya'y dinala muna kay Anas na biyenan ni Caifas, ang pinakapunong pari nang taóng iyon. Si Caifas ang nagpayo sa mga pinuno ng mga Judio na mas mabuti para sa kanila na isang tao lamang ang mamatay para sa bayan.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Juan 18:12-14