Sinabi ni Yahweh, “Ngunit ikaw, Israel, ang lumimot sa akin; at ayaw mo na akong sambahin. Hindi ka na nagdadala ng mga tupang sinusunog bilang handog; hindi mo na ako pinaparangalan sa pamamagitan ng iyong mga hain. Hindi kita pinilit na maghandog sa akin, o pinahirapan man sa pagsusunog ng insenso. Hindi mo ako ibinili ng mabangong insenso o kaya'y hinandugan man lang ng taba ng hayop. Sa halip ay gumawa ka ng maraming kasalanan, pinahirapan mo ako sa iyong kasamaan. “Gayunman, ako ang Diyos na nagpatawad sa iyong mga kasalanan; hindi ko na aalalahanin pa ang iyong mga kasalanan. Magharap tayo sa hukuman, patunayan mong ikaw ay may katuwiran. Nagkasala sa akin ang kauna-unahan mong ninuno, gayon din ang iyong mga pinuno. Ang aking santuwaryo ay nilapastangan ng iyong mga pinuno, kaya pinabayaan kong mawasak ang Israel, at mapahiya ang aking bayan.”
Basahin Isaias 43
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Isaias 43:22-28
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas