Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Isaias 33:14-16

Isaias 33:14-16 RTPV05

Nanginginig sa takot ang mga makasalanan sa Zion. Sabi nila, “Parang apoy na hindi namamatay ang parusang igagawad ng Diyos. Sino ang makakatagal sa init niyon?” Ngunit maliligtas kayo kung tama ang sinasabi ninyo at ginagawa. Huwag ninyong gagamitin ang inyong kapangyarihan para apihin ang mahihirap; huwag kayong tatanggap ng suhol; huwag kayong makikiisa sa mga mamamatay-tao; o sa mga gumagawa ng kasamaan. Sa gayon, magiging ligtas kayo, parang nasa loob ng matibay na tanggulan. Hindi kayo mawawalan ng pagkain at inumin.