Sasabihin ng mga taga-Juda: “Nabalitaan namin ang kataasan ng mga taga-Moab, ang kanilang kasinungalingan at pandaraya, ngunit walang saysay ang kanilang kayabangan.” Kaya tatangisan ng mga taga-Moab ang kanilang lunsod, sama-sama silang mananaghoy dahil sa kanilang paghihirap, sa tuwing maaalala nila ang masasarap na pagkain sa Kir-Hareset. Sisirain ang mga bukiring malapit sa Hesbon, at ang mga ubasan sa Sibma, na pinagkukunan ng alak ng mga pinuno ng mga bansa. Ubasang abot sa Jazer hanggang sa disyerto, at lampas pa hanggang sa kabila ng dagat. Kaya tatangisan kong kasama ng Jazer ang mga ubasan ng Sibma. Didiligin ko ng luha ang Hesbon at Eleale sapagkat wala silang aanihin upang magsaya ang bayan. Maglalaho ang tuwa at kagalakan sa kanyang masaganang bukirin. Titigil ang kasayahan at awitan sa kanyang ubasan. Wala nang alak na dadaloy sa kanyang pisaan at tuluyang matatahimik ang masayang hiyawan. Kaya parang malungkot na himig ng alpa ang aking pagdadalamhati sa sinapit ng Moab. Nagdurugo ang puso ko sa sinapit ng Kir-heres. Umahon man ang mga taga-Moab sa kanilang mga altar sa mga sagradong burol, at magpagod man sila ng pagsamba sa kanilang mga santuwaryo, wala ring kabuluhan ang kanilang panalangin. Ito ang sabi ni Yahweh noong una tungkol sa Moab. Ngunit ito naman ang sinasabi niya ngayon: “Tatlong taon mula ngayon, malilimas ang malaking kayamanan ng Moab. Sa marami niyang tauhan ay ilan lamang ang matitira at mahihina pa.”
Basahin Isaias 16
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Isaias 16:6-14
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas