Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Hebreo 8:10-12

Mga Hebreo 8:10-12 RTPV05

Ganito ang gagawin kong kasunduan sa bayan ng Israel pagdating ng panahon, sabi ng Panginoon: Itatanim ko sa kanilang pag-iisip ang aking mga utos; isusulat ko ito sa kanilang puso. Ako ang kanilang magiging Diyos, at sila ang aking magiging bayan. Hindi na kailangang turuan ang isa't isa at sabihing, ‘Kilalanin mo ang Panginoon.’ Sapagkat ako'y makikilala nilang lahat, mula sa pinakaaba hanggang sa pinakadakila. Sapagkat patatawarin ko sila sa kanilang mga kasalanan, at kalilimutan ko na ang kanilang mga kasamaan.”