Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Hebreo 8:1-5

Mga Hebreo 8:1-5 RTPV05

Ito ang buod ng aming sinasabi: tayo ay may Pinakapunong Pari na nakaupo sa kanan ng trono ng Kataas-taasan. Siya'y naglilingkod doon sa tunay na Dakong Banal, sa toldang itinayo ng Panginoon, at hindi ng tao. Tungkulin ng bawat pinakapunong pari ang mag-alay ng mga kaloob at mga handog, kaya't kailangang ang ating Pinakapunong Pari ay mayroon ding ihahandog. Sa lupa ay hindi siya maaaring maging pari, sapagkat mayroon nang mga paring naghahandog ng mga kaloob ayon sa Kautusan. Ang paglilingkod ng mga ito ay larawan lamang ng nasa langit, sapagkat nang itatayo na ni Moises ang tolda, mahigpit na ipinagbilin sa kanya ng Diyos ang ganito, “Gagawin mo ang lahat ayon sa huwarang ipinakita ko sa iyo sa bundok.”

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya