Sapagkat tayong lahat ay kasama ni Cristo sa gawain, kung mananatiling matatag hanggang sa wakas ang ating pananalig na ating ipinakita noong tayo'y unang sumampalataya. Ito nga ang sinasabi sa kasulatan, “Kapag narinig ninyo ngayon ang tinig ng Diyos, iyang inyong puso'y huwag patigasin, tulad noong kayo'y maghimagsik sa Diyos.” Sino ang naghimagsik laban sa Diyos kahit na narinig nila ang kanyang tinig? Hindi ba't ang lahat ng inilabas ni Moises sa Egipto? At kanino nagalit ang Diyos sa loob ng apatnapung taon? Hindi ba't sa mga nagkasala at namatay sa ilang? At sino ang tinutukoy niya nang kanyang sabihin, “Hinding-hindi sila makakapagpahinga sa piling ko”? Hindi ba't ang mga taong ayaw sumunod? Maliwanag kung ganoon kaya't hindi sila nakapasok sa lupang pangako dahil sa kawalan ng pananampalataya sa Diyos.
Basahin Mga Hebreo 3
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Hebreo 3:14-19
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas