Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Hebreo 11:35-40

Mga Hebreo 11:35-40 RTPV05

Dahil sa pananampalataya sa Diyos, ibinalik sa ilang mga babae ang kanilang mga mahal sa buhay na namatay matapos ang mga ito'y buhaying muli. May mga tumangging sila'y palayain, sapagkat pinili nila ang mamatay sa pahirap upang sila'y muling buhayin at magtamo ng mas mabuting buhay. Mayroon namang hinamak at hinagupit, at mayroon ding ibinilanggong nakakadena. Ang iba naman ay pinagbabato, nilagari sa dalawa, at pinatay sa tabak. Ang iba'y nagdamit ng balat ng tupa at kambing, ang iba'y namulubi, inapi, at pinagmalupitan. Hindi karapat-dapat sa kanila ang daigdig! Nagpagala-gala sila sa mga ilang at kabundukan. Nagtago sila sa mga yungib at lungga sa lupa. At dahil sa kanilang pananampalataya sa Diyos, nag-iwan sila ng isang kasaysayang hindi makakalimutan kailanman. Bagama't sila'y pinarangalan sa pamamagitan ng pananampalataya, hindi nila natanggap ang ipinangako, sapagkat may mas magandang plano ang Diyos para sa atin, upang sila'y hindi maging ganap malibang kasama tayo.