Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Genesis 3:15-19

Genesis 3:15-19 RTPV05

Kayo ng babae'y aking pag-aawayin, binhi mo't binhi niya'y lagi kong paglalabanin. Ang binhi niya ang dudurog sa iyong ulo, at sa sakong niya'y ikaw ang tutuklaw.” Sa babae nama'y ito ang sinabi: “Sa pagbubuntis mo'y hirap ang daranasin, at sa panganganak sakit ay titiisin; ang asawang lalaki'y iyong nanasain, pasasakop ka sa kanya't siya mong susundin.” Ito naman ang sinabi ng Diyos kay Adan: “Dahil nakinig ka sa iyong asawa, nang iyong kainin ang ipinagbawal kong bunga; dahil dito'y sinusumpa ko ang lupa, sa hirap ng pagbubungkal, pagkain mo'y magmumula. Mga damo at tinik ang iyong aanihin, halaman sa gubat ang iyong kakainin; sa pagod at pawis pagkain mo'y manggagaling maghihirap ka hanggang sa malibing. Dahil sa alabok, doon ka nanggaling, sa lupang alabok ay babalik ka rin.”

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Genesis 3:15-19