Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Genesis 3:15-19

Genesis 3:15-19 ASD

Ikaw at ang babae ay mag-aaway. Ang lahi mo at ang lahi niya ay mag-aaway din. Dudurugin niya ang ulo mo at tutuklawin mo ang sakong niya.” Sinabi rin niya sa babae, “Dahil sa ginawa mo, dadagdagan ko ang paghihirap mo sa pagbubuntis at mararamdaman mo ang sobrang sakit sa iyong panganganak. Ngunit sa kabila niyan, hahangarin mo pa rin ang iyong asawa at maghahari siya sa iyo.” Sinabi rin niya sa lalaki, “Dahil naniwala ka sa asawa mo at kumain ng bunga ng punongkahoy na ipinagbawal ko sa inyo: Susumpain ko ang lupa! Kaya sa buong buhay mo ay magpapakahirap ka nang husto upang makakain. Tutubo sa lupa ang mga damo at halamang may tinik. Ang kakainin moʼy manggagaling sa mga pananim sa bukid. Kinakailangang magpakahirap ka nang husto upang makakain, hanggang sa bumalik ka sa lupa na iyong pinagmulan. Dahil sa lupa ka nagmula, sa lupa ka rin babalik.”

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Genesis 3:15-19