Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Genesis 25:21-26

Genesis 25:21-26 RTPV05

Hindi magkaanak si Rebeca, kaya't nanalangin kay Yahweh si Isaac. Dininig naman siya at si Rebeca'y naglihi. Kambal ang kanyang dinadala at nasa tiyan pa'y nagtutulakan na ang dalawa. Kaya't nasabi ng ina, “Kung ngayon pa'y ganito na ang nangyayari sa akin, bakit pa ako mabubuhay?” Kaya't siya'y nagtanong kay Yahweh. Ganito naman ang sagot ni Yahweh: “Dalawang sanggol ang dala mo sa loob ng iyong tiyan, larawan ng dalawang bansa na magiging magkalaban; magiging higit na malakas ang mas bata kaysa sa nauna, kaya maglilingkod ang mas matanda sa bata niyang kapatid.” Dumating ang panahon at nanganak nga siya ng kambal. Mamula-mula ang kutis at mabalahibo ang katawan ng panganay, kaya't Esau ang ipinangalan dito. Nang lumabas ang pangalawa, nakahawak ito sa sakong ng kanyang kakambal, kaya Jacob naman ang itinawag sa kanya. Animnapung taon si Isaac noon.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Genesis 25:21-26