Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Deuteronomio 31:24-30

Deuteronomio 31:24-30 RTPV05

Matapos isulat ni Moises sa isang aklat ang buong kautusan, sinabi niya sa mga pari, “Dalhin ninyo ang aklat na ito at itabi sa Kaban ng Tipan upang maging babala sa inyo. Alam kong kayo'y mapaghimagsik at matigas ang ulo. Kung ngayong buháy pa ako ay lagi kayong naghihimagsik kay Yahweh, lalo na kung patay na ako. Pupulungin ko ang inyong matatanda at ang inyong mga pinuno. Ipapaliwanag ko sa kanila ang mga bagay na ito, at gagawin kong saksi ang langit at lupa laban sa kanila. Sapagkat natitiyak kong kayo'y magpapakasama pagkamatay ko, lilihis kayo sa daang itinuro ko sa inyo. Darating ang araw na magagalit sa inyo si Yahweh dahil gagawin ninyo ang pinakaaayawan niya.” Ito ang kabuuan ng awit na ipinarinig ni Moises sa mga Israelita

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Deuteronomio 31:24-30

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya