Pagkatapos, umalis si Pablo sa Atenas at nagpunta sa Corinto. Natagpuan niya roon si Aquila, isang Judiong taga-Ponto. Kararating pa lamang nito mula sa Italia kasama ang kanyang asawa na si Priscila. Umalis sila roon sapagkat pinalayas ni Claudio ang lahat ng Judio sa Roma. Nakipagkita sa kanila si Pablo, at dahil sila'y manggagawa ng tolda tulad niya, siya ay nakitira sa kanila, at siya'y nagtrabahong kasama nila. Tuwing Araw ng Pamamahinga, si Pablo ay nakikipagpaliwanagan sa mga Judio o Griego sa sinagoga at sinisikap niyang mahikayat sa pananampalataya ang lahat.
Basahin Mga Gawa 18
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Gawa 18:1-4
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas