Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Gawa 18:1-3

Mga Gawa 18:1-3 RTPV05

Pagkatapos, umalis si Pablo sa Atenas at nagpunta sa Corinto. Natagpuan niya roon si Aquila, isang Judiong taga-Ponto. Kararating pa lamang nito mula sa Italia kasama ang kanyang asawa na si Priscila. Umalis sila roon sapagkat pinalayas ni Claudio ang lahat ng Judio sa Roma. Nakipagkita sa kanila si Pablo, at dahil sila'y manggagawa ng tolda tulad niya, siya ay nakitira sa kanila, at siya'y nagtrabahong kasama nila.