Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

3 Juan 1:3-8

3 Juan 1:3-8 RTPV05

Tuwang-tuwa ako nang dumating ang ilang kapatid at ibalitang ikaw ay tapat sa katotohanan at talagang namumuhay ayon dito. Wala nang higit na makapagpapaligaya sa akin kundi ang marinig ang balitang namumuhay ayon sa katotohanan ang aking mga anak. Mahal kong kaibigan, ang iyong paglilingkod sa mga kapatid kahit sa mga hindi mo kilala ay nagpapatunay na tapat ka. May mga nagbabalita sa iglesya rito tungkol sa iyong pag-ibig. Sana'y tulungan mo sila sa kanilang paglalakbay, gaya ng nararapat gawin sa mga lingkod ng Diyos, sapagkat naglalakbay sila sa pangalan ni Cristo at hindi tumatanggap ng anumang tulong sa mga di sumasampalataya sa Diyos. Dapat natin silang tulungan upang tayo'y makabahagi sa pagpapalaganap ng katotohanan.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa 3 Juan 1:3-8