Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

2 Timoteo 3:1-7

2 Timoteo 3:1-7 RTPV05

Dapat mong malaman na sa mga huling araw ay magkakaroon ng mga kahirapan. Ang mga tao'y magiging makasarili, sakim sa salapi, palalo, mapagmataas, mapagsamantala, suwail sa magulang, walang utang na loob at lapastangan sa Diyos. Sila'y magiging malupit, walang habag, mapanirang-puri, marahas, mapusok at namumuhi sa mabuti. Sila'y magiging mga taksil, pabaya, mayabang, mahilig sa kalayawan at walang pag-ibig sa Diyos. Sila'y magkukunwaring maka-Diyos, ngunit hindi naman nakikita ang kapangyarihan nito sa kanilang pamumuhay. Iwasan mo ang ganyang uri ng mga tao. May ilan sa kanila na gagamit ng panlilinlang upang makapasok sa bahay ng mga babaing walang pagpipigil sa sarili. Ang mga babaing ito'y alipin ng kanilang mga kasalanan at ng sari-saring pagnanasa. Lahat na'y gustong matutuhan ng mga babaing ito ngunit kailanma'y di sila nakakaunawa.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa 2 Timoteo 3:1-7